top of page
Search

Cindy, may kasamang white lady sa condo

BULGAR

ni Lucille Galon @Entertainment News | June 21, 2024



Showbiz news

Naniniwala si Cindy Miranda na may kakaibang nilalang na laging nakabantay sa kanya na naging lucky charm niya nitong mga nakaraang taon.


Ayon sa aktres, nakikita raw ng mga bisita niya na may white lady na kamukha niya at ginagaya siya.


“Maraming nakakita na kamukha ko. Naka-white, nandu’n palagi pero never ko pa pong nakita. Lucky charm ko siya. Siya ang Kuman Thong ko, amulet ko. Never ako natakot, never ako natakot mag-isa.


Wala akong kasama sa condo, college pa lang ako at baka siya ang nagbabantay sa ‘kin, kaya ako mag-isa,” sey ni Cindy sa press conference ng movie niya. Kuwento pa niya, “I have a friend who has a third eye, my ex-boyfriend even drew it. I didn’t believe him.


Also 'yun ang taga-bantay ng condo, sinabi n’ya sa ’kin na akala niya, ako ang nakita n’ya pero naka-white. Several other friends also said it.


“I am not sure if she follows me to work or sa bahay lang. Du’n s’ya nakita ng friends ko and ex-boyfriend, she is harmless. Tingin ko kaya sobrang tapang ko kasi may kasama ako.


“Nu’ng college ako, eksaktong alas-tres, eksakto, walang mintis, nagigising ako. Punta na lang ako ng CR (comfort room), dedma. Hindi ko tinakot ang sarili ko kasi mag-isa ako.”


'Kaloka! In fairness, dumami nga ang mga ganap at projects ng aktres nitong mga nakaraang taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page