ni Angela Fernando @News | Sep. 22, 2024
Nakatakdang makipagpulong ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay Raul Villanueva, opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ngayong linggo upang talakayin ang alegasyon na ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ay may kaugnayan kay Alice Guo.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, makikipag-ugnayan ang CIDG, ang grupo na naatasang magsiyasat sa alegasyon, kay Villanueva upang linawin ang isyu nang tuluyan.
Matatandaang ibinulgar ni Villanueva, isang retiradong heneral at dating commanding officer ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) nu'ng Martes, na isang dating hepe ng PNP ang tumulong kay Guo na makalabas ng bansa.
Ayon pa sa kanya, kasama rin ito sa buwanang payroll ng dating alkalde. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng PNP ang 24 sa kanilang mga dating lider dahil sa alegasyong isa sa kanila ang tumulong kay Guo na makatakas sa 'Pinas.
Comments