top of page
Search
BULGAR

Christmas caroling, puwede na — DOH

ni Lolet Abania | November 10, 2021



Papayagan na ang pagsasagawa ng street caroling ngayong Pasko, subalit dapat na ang mga carolers ay nakasuot ng face masks at face shields, ayon sa Department of Health (DOH).


“Sa pangangaroling po kailangan lang tandaan na outdoors dapat, nandiyan ‘yung pagsuot ng face mask at saka face shield,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang interview ngayong Miyerkules.


Ipinaalala ni Vergeire sa publiko na nakapaglalabas ang mga tao ng maraming respiratory droplets kapag kumakanta, at mataas ang risk ng transmission ng COVID-19.


Matatandaang pinayagan na ang mga menor-de-edad sa National Capital Region (NCR) na lumabas ng bahay matapos ang halos dalawang taong pananatili lamang ng mga ito sa loob ng kanilang tirahan dahil sa panganib ng pagkahawa sa COVID-19.


Noong nakaraang taon, maraming lokal na pamahalaan ang ipinagbawal ang pangangaroling bago pa ang Christmas holiday.


Sa panahong iyon, ang mga nai-record na bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa ay sa pagitan ng 1,000 hanggang 2,000.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page