ni Mai Ancheta @News | Feb. 3, 2025
File Photo: Ang chopper na bumagsak sa bahagi ng Guimba, Nueva Ecija na ikinasawi ng isang lady pilot nitong Sabado, Pebrero 1. (Mai Ancheta)
Nasawi ang isang babaeng piloto makaraang bumagsak ang chopper nito sa isang latian sa Sitio Amurong, Brgy. San Miguel, Guimba, Nueva Ecija, Sabado ng hapon.
Nagtulung-tulong ang mga residente at otoridad sa pagkuha sa katawan ng piloto para mailabas sa bumagsak na chopper sa tubigan na may tail number RP-C3424.
Agad na ni-revive ng mga nagrespondeng team ang biktima subalit, nabigo ang mga ito.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio, galing sa Baguio ang chopper at naghatid ng pasahero at nag-stop over sa Binaloan,
Pangasinan para mag-refuel pasado alas-12 ng tanghali.
Batay sa CAAP advisory nitong Linggo ng umaga, ini-report umano ng Binalonan airport officials na hirap mag-start ang makina ng RP-C3424 bago umalis ng alas-4:30 ng hapon noong Sabado.
Patuloy na iniimbestigahan ng CAAP ang insidente upang matukoy kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng chopper.
Comments