top of page
Search
BULGAR

Chocolate Hills resort, sarado na, mga ahensya na sangkot, hugas-kamay

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Marso 17, 2024


Nakakagalit at nakakadurog ng puso ang nakita nating mga nakatayo nang resorts sa mga paanan mismo ng Chocolate Hills.


Sa unang tingin pa lamang, alam na nating may mali.


Kung ang mga ahensya ng gobyerno na may tungkulin at responsibilidad na pangalagaan ang Chocolate Hills ay may pro-environment mindset, ang tanong natin, bakit nakapagtayo ng resort at mayroon pang cottages at swimming pool sa isang ‘classified natural monument’ sa ilalim ng NIPAS, at isang protected UNESCO geopark?


☻☻☻


Base sa mga dokumento, since 2018 pa pala nagsimula ang application ng Captain’s Peak, kaya nagtataka tayo kung bakit sa loob ng anim na taon ay nailusot ang mga permits at tinuloy ang construction nito.


Sa kasalukuyan, sarado na ang kontrobersyal na Captain’s Peak Garden and Resort.


Ngunit, iginiit ng kanilang pamunuan na sumunod sila sa mga patakaran na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Marami na rin ang nagsisilabasan na reports at memorandum orders about non-compliance, ‘yung supposed violations committed, closure orders, cancellation of business permits, etc.


Pero, walang gustong umako ng kasalanan, at medyo nagtuturuan na at naghuhugas ng kamay ang mga ahensyang directly involved.

☻☻☻


Nagpasa ng resolusyon ang inyong lingkod para imbestigahan kung papaano naipatayo ang resort na ito.


In fact, may commitment na si Sen. Cynthia Villar na habang session break ay magka-conduct siya ng hearing at napag-usapan na rin ang pagkakaroon ng ocular inspection sa Bohol.


Umaasa tayo na sa tulong ng hearing na ito, magkakaroon tayo ng sagot mula sa DENR, PAMB, BEMO, PENRO at LGUs, at maipaliwanag nila kung bakit tuloy pa rin ang construction at pagbibigay ng permit kahit na protected ang status ng Chocolate Hills.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice! 


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page