top of page
Search
  • BULGAR

Chloe, out sa picture, fans tuwang-tuwa… CARLOS, PASOK SA PH NAVY RESERVE FORCE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 3, 2024



Showbiz News

Maraming netizens ang natuwa nang makita ang larawan ng Paris Olympics 2024 two-time gold medalist na si Carlos Yulo na nakasuot ng navy uniform.


Opisyal na palang miyembro ng Philippine Navy Reserve Force si Caloy at may ranggong Petty Officer 1st Class kung saan pormal siyang winelkam last Monday, Oct. 1, sa seremonyang ginanap sa Navy Headquarters sa Manila.


Pormal at kagalang-galang ang suot na navy uniform ni Carlos, ibang-iba sa huling nag-trending na photo niya na nakasuot ng crop top.


Wala rin sa nai-post na picture ni Carlos na nakasuot ng navy uniform ang kanyang "most hated" girlfriend na si Chloe San Jose, kaya positive ang reaksiyon ng mga fans at followers ng athlete.


Ang ganda nga namang tingnan na mukhang kagalang-galang si Carlos Yulo, kaya sana, 'wag siyang maging sunod-sunuran sa ipinasusuot ng kanyang GF para 'di siya pinagtatawanan lalo't itinuturing siyang 'bayani' ng 'Pinas sa pagdadala ng karangalan sa ating bansa.


Ibang level na ngayon si Carlos, kaya 'wag sanang pagmukhaing 'cheap' ni Chloe sa mga ipinasusuot niya sa BF.


Hindi naman kailangang umastang model ni Carlos dahil 'di naman siya rarampa sa mga fashion shows abroad, kaya 'wag nang makisabay sa uso at isaalang-alang niya ang stature niya ngayon bilang Philippine pride.


At sana rin, sa dami ng milyones na natanggap ni Carlos Yulo, mabilhan naman niya ng bra ang GF niyang kung makapagdispley ng 'utong' ay para bang proud na proud pang sinasabi na "Ako lang ang meron nito!"


Jusko, nasa 'Pinas siya at wala sa Australia. Kung gusto niyang magpabakat ng suso at utong, ilagay niya sa tamang venue, mag-Vivamax na lang siya at baka sakaling pagkakitaan niya 'yang ipinagmamalaki niya.


Tapos, sasabihan niya at ng mga blind supporters niya na toxic ang mga bashers niya kapag tinatawag siyang bad influence sa mga kabataan?


Hello!!! Dapat bang ilagay pa siya sa pedestal at gawan ng monumento sa hindi niya pagsusuot ng bra in public?

Kalorkey!!! 


 

Yes, may ganern!

DONNALYN, NATAKOT MAAGAWAN

NI DJ DEBBIE KAYA SINAGOT SI JM


Debbie Lopez

Hindi na si JM De Guzman ang ultimate crush ngayon ng online DJ-newbie singer at bagong host ng Kantahan Na sa Net25 na si Debbie Lopez kundi ang ex-boyfriend na ni Maris Racal na si Rico Blanco.


Sa ginanap na launching ng debut single ng Cebuana singer titled Ang Higugmaon Ka, inamin niyang si Rico Blanco na ang crush niya ngayon at gustong maka-collaborate sa kanta ng singer na Kisap-Mata.


Nu'ng unang ipakilala sa media si Debbie, matatandaang sinabi nitong si JM ang super crush niya, kaya may isang kaibigan naman daw niya ang nanghingi ng greetings sa singer-actor nu'ng b-day ni Debbie para batiin ang huli.


Kilig na kilig pa si Debbie noon dahil "nag-I love you" pa raw si JM sa message nito sa kanya at sinabing gusto siyang makilala nang personal soon.


That time kasi ay wala pang girlfriend si JM De Guzman, pero nang lumabas nga ang interview ni Debbie, nakarating daw sa kampo ng newbie singer na after a week ay sinagot na ni Donnalyn Bartolome ang aktor.


Talbog! Na-threaten kaya si Donnalyn na baka maagaw pa sa kanya si JM ng Cebuana singer?


At dahil taken na nga si JM, ayaw naman daw makiagaw ni Debbie kay Donnalyn kaya kay Rico Blanco na lang siya na single na uli ngayon after ng breakup kay Maris Racal.

Dream ni Debbie na madala si Rico Blanco sa Cebu dahil marami raw fans doon ang singer at sana nga ay makapag-duet sila.


Sa ngayon, at the age of 33, happy si Debbie na unti-unti nang natutupad ang pangarap niyang maging singer at host dahil pagkatapos ng launching ng kanyang Ang Higugmaon Ka, simula sa October 6 (Sunday) ay mapapanood na rin siya sa Kantahan Na singing reality show ng Net25 Radyo Agila bilang co-host ni Ian Agsalud.

Good luck on your new career, DJ Debbie Lopez!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page