top of page
Search

Chloe, magaling daw mag-alaga, sure na 'the one' na… CARLOS, GUSTO NANG MAGING TATAY

BULGAR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Sep. 25, 2024



Showbiz news

“Gusto ko na pong magkaroon ng baby po. Gusto kong maging tatay po, eh,” ito ang diretsong sabi ni Carlos Yulo sa panayam niya kay Toni Gonzaga-Soriano sa Toni Talks vlog nito na napapanood sa YouTube (YT) channel.


Nabanggit ng Pinoy gymnast double gold medalist sa nakaraang 2024 Paris Olympics na ang girlfriend niyang si Chloe San Jose na ang ‘the one’ niya dahil nakita niya kung paano mag-alaga tulad ng pag-aalaga sa kanya noong nag-iisa siya sa Japan.


Ang naibigay daw ni Chloe kay Carlos ay “Peace and ‘yung motivation na gawin ‘yung mga gusto kong gawin sa buhay ko po.”


Kaya nasambit nitong, “Siyempre, like in the future, kung magkapamilya na po kami. Kasi gusto ko pong magkaroon ng baby po, gusto kong maging tatay po, eh.”


Nagulat si Toni dahil 24 years old pa lang ang binata, “Ready ka na at 24?”

Mabilis namang sagot ni Carlos, “In the future naman po.”


Kaya ang laging panalangin nito na sana, forever na sila ni Chloe San Jose dahil binubuo na niya sa isip niya ang future nila.


 

ANG ganda ng tambalan nina Papa Ahwel Paz at Jhai Ho sa radio show nilang Showbiz Sidelines (SS) dahil kahit na 9 PM na sila umeere ay hindi pa rin panis ang mga ibinabalita nila.


Ang SS ay umeere mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 9 PM sa Radyo 630 Teleradyo Serbisyo sa TV.


Sey ni Papa Ahwel, “Para magkaroon ng ibang flavor ‘yung programa, sinamahan natin ng side hustles. Very interesting na malaman ng viewers na ‘yung mga hinahangaan nilang mga artista ay meron din silang pinagkakaabalahan sa likod ng camera.”


Nakatsikahan namin sina Papa Ahwel at Jhai Ho sa intimate lunch kamakailan sa Seda Hotel at inaming masaya silang muling magsasama sa programa.


“Maganda ‘yung naging foundation namin. One thing na talagang gustung-gusto ko is before mag-start ‘yung programa, we make sure ni Papa Ahwel na mag-usap, na dapat masaya lang, dapat GV (good vibes) lang tayo. Kung may ‘di tayo bet, sabihin natin agad sa isa’t isa,” pagbabahagi ni Jhai Ho.


Sa tanong kung paano ang istilo nila sa breaking stories at paano ang treatment nila dahil sa pagkakaalam namin ay mahigpit sa radio, kumpara sa socmed (social media) na narinig lang ay ibinalita na agad at saka magpa-follow-up kung may pagbabago.


“For me, malaking bagay talaga na ‘di ka laging nagmamadali na magpaputok ng isang issue. Mas okey na kumpleto muna ‘yung facts mo bago mo siya i-deliver para maging credible ka ru’n sa mga listeners mo,” sagot ni Jhai Ho.


Sagot naman ni Papa Ahwel, “Ang tendency natin kapag nakita natin ‘yung headlines tapos misleading, naniniwala na agad tayo without even reading kung ano ‘yung content para lang makakuha ng viewers and subscribers. Kailangan, verified, we confirm facts, we have the power and authority to correct it on air, gagawin natin ‘yun. Kunin po natin ‘yung pinaka-resource person to clarify.”


Sabi pa ni Jhai Ho, “Laging nagri-research, laging nagtatanong, at ‘di lang naman kami ang totally last say. Kahit kami ‘yung nakakuha ng balita, mayroon kaming executive producer to check, '‘Wag ‘to, masyadong sensitive ‘to.' Puwedeng tanungin din natin ‘yung kabilang side para hindi lang ‘yung side ng isa. Gusto namin sa programa, balanseng-balanse kami.”


At dahil gabi pa ang oras ng SS, ang tendency ay huli na nilang maibabalita ang mga pumutok na isyu sa araw na iyon.


Sabi nga ni Papa Ahwel, “Naunahan na kami.” 


Kaya ang ginagawa nila ay hahanap sila ng iba pang update mula sa taong involved para fresh pa rin. Pero kung wala na ay binabasa nila ang balita at saka nila tatalakayin ito.


Aminado rin si Papa Ahwel na hindi niya linya ang showbiz balita dahil nga corporate/travel/lifestyle siya. Kaya nu’ng ipasok siya sa programa nila noon ni Jobert Sucaldito na MISMO ay mabilis naman siyang nakapag-adjust dahil magaling ang co-host niyang si Jobert. Kaya nu’ng naiwan na siyang mag-isa ay naitawid naman niya ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page