top of page
Search
  • BULGAR

Chloe, binawalan pala si Caloy na bumisita sa pamilya, bad dyowa?!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 9, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KAILAN KAYA MAGDEDEKLARA SI SPD GEN. ROSETE NG ‘WAR ON ILLEGAL GAMBLING’ SA SOUTHERN PART NG METRO MANILA? -- Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga raket na sakla ni “Walter” sa Muntinlupa City at jueteng, lotteng at bookies nina "Haruta," "Joy," "Onie," "Deck," "Ricky," "PJ," "Allan," "Toto" at "Josie" sa Pasay City, Taguig City, Paranaque City, Makati City, Las Pinas City at Pateros.


Kailan kaya magdedeklara si Southern Police District (SPD) Director, Brig. Gen. Leon Rosete ng war on illegal gambling sa nasasakupan niyang southern part ng Metro Manila, abangan!


XXX


CHLOE, BAD DYOWA NI CALOY? -- Ibinulgar ni Coach Gerald Fajardo, malapit na kaibigan ng pamilya Yulo na nais daw noon ni double gold medalist Carlos Yulo na bumisita sa kanyang pamilya sa looban sa Leveriza, Pasay City, pero ayaw daw ng dyowa nitong si Chloe, at nagbanta raw itong magpapakamatay kapag itinuloy ang pagbisita ni Caloy sa kanyang pamilya.


Aba’y kung totoo itong ibinulgar ni Coach Gerald ay lumalabas na bad dyowa pala si Chloe kasi mali ang pagbawalan niya ang kanyang boyfriend na si Caloy na dumalaw o bumisita sa sarili nitong pamilya, period!


XXX


SANDAMAKMAK NA KASONG PERJURY MALAMANG ANG ISAMPA KAY HARRY ROQUE -- Sa pagdinig ng Kamara ay napaamin ni Manila Rep. Bienvenido Abante si Cassandra Ong na ang itinungo nila ni former presidential Harry Roque sa Pagcor ay ang paghingi ng lisensya para sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga.


Patunay ‘yan na kasinungalingan ang sinabi ni Roque noon na hindi raw lisensya ng POGO ang ipinunta nila ni Ong sa Pagcor.


Sa rami ng kasinungalingang sinabi ni Roque sa Kamara, malamang bukod sa kasong qualified trafficking in person ay masampahan din ito ng sandamakmak na kasong perjury, boom!


XXX


KAPAG NAGING SENADOR ANG MAG-AMANG EX-P-DUTERTE AT BASTE, DOBLE-SAKIT NG ULO ANG AABUTIN NI PBBM -- Nanumpa na si Davao City Mayor Baste Duterte sa Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDP) na pinamumunuan ng kanyang amang si ex-P-Duterte, na indikasyong kakandidato ito sa pagkasenador sa 2025 midterm election.


Kapag kumandidato rin sa pagkasenador si ex-P-Duterte at pareho silang sinuwerte ng anak na si Baste na maging senador, tiyak doble-sakit ng ulo ang aabutin ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kasi malamang magpalitan ang mag-ama sa pagsasagawa ng privilege speech sa Senado laban sa mga palpak na polisiya ng Marcos administration, period!

0 comments

Commenti

Impossibile caricare i commenti
Si è verificato un problema tecnico. Prova a riconnetterti o ad aggiornare la pagina.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page