top of page
Search

CHIZ, TAGA-HAWAK NA NG BANNER NI HEART, TAGA-TAHI PA NG DAMIT

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | November 4, 2023




Wala kaming nakitang masama sa photo ni Sen. Chiz Escudero na nakihawak sa banner ng fans sa Paris ni Heart Evangelista.


Based sa picture at sa napanood naming video, nagkagulo ang members ng Heart World Paris Fans Club ni Heart nang dumating ito kasama si Chiz. Nag-unahang makapagpa-picture katabi si Heart at napabayaan ang kanilang banner.


To the rescue si Chiz, hinawakan ang kabilang dulo ng banner para hindi lumaylay at para kita ang nakasulat. Kaya, maganda ang naglabasang photos at video.


Iniintriga kasi ang mister ni Heart sa paghawak ng banner. Hindi ba puwedeng suportado lang ni Chiz si Heart at ang fans nito na kita sa mga mukha ang saya na makasama sa picture taking si Heart at makatsikahan sandali?


Hindi siguro nakita ng mga nag-react ng negative ang photos ni Chiz na tinatahi ang damit na isusuot ni Heart sa pagrampa. Ganu’n siya ka-supportive sa asawa.


May mga nakita kaming foreigners na kasama sa picture ng fans ni Heart sa Paris at nasa unahan sila. Ibig kayang sabihin, pati sila ay fans ni Heart at members din sila ng Heart World Paris Fans Club?


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page