top of page
Search
BULGAR

Chinnie ng Foxies nagpasiklab naka-1st win kontra Capital1

ni Gerard Arce @Sports | March 1, 2024





Unti-unting inaangat ni dating collegiate champion Chinnie Arroyo ang kanyang kumpiyansa at laro matapos magpasikat sa bagong koponan na Farm Fresh Foxies na tinulungang makuha ang unang panalo laban sa bagong koponan na Capital1 Solar Energy sa pamamagitan ng 25-16, 25-18, 25-16 straight set para sa unang handog na laro ng 8th edisyon ng Premier Volleyball League (PVL) All Filipino Conference, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.


Nagawang magpakitang-gilas ng dating National University Lady Bulldogs spiker na kuminang ng 11 puntos galing sa 10 atake at isang service ace upang hiranging player of the game, na unti-unting umaangat ang laro matapos tumalon galing sa nabuwag na F2 Logistics Cargo Movers ng umiskor din ng 8  puntos sa pagkatalo kontra sa reigning at defending champions na Creamline Cool Smashers sa unang laro nito. “Madami kaming natutunan sa past games namin [kung saan] nagkulang kami, kaya 'yun ang ina-apply namin ngayong game na ito. Simula nu'ng nag-team building na kami, naging mabilis 'yung samahan namin sa isa’t isa,” saad ni Arroyo.


Nagbida pagdating sa opensiba si dating Adamson University Lady Falcons spiker Trisha Gayle Tubu ng tumapos ito ng kabuuang 15 puntos mula sa 12 atake, dalawang blocks at isang ace upang pangunahan ang opensa ng Foxies tungo sa 1-1 kartada para samahan ang Petro Gazz Angels, habang nahulog naman sa 0-2 marka ang Capital1 kasosyo ang NXLed Chameleons at Strong Group Athletics.


Patuloy rin sa pamamahagi ng magandang takbo ng opensa si ace playmaker Louie Romero sa kanyang 12 excellent sets kasama ang dalawang puntos, habang nag-ambag si Kate Santiago ng anim puntos, gayundin sina Sofia Ildefonso at Alyssa Bertolano.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page