ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 05, 2023
Nitong nakaraang araw ay sinimulan na natin ang pagdinig ng panukalang 2024 budget ng Department of Tourism.
Sa hearing na ito ay inihayag ni Secretary Christina Frasco na hanggang Oktubre, mahigit apat na milyon na ang mga international tourist arrivals sa bansa.
Aniya, malapit na nitong maabot ang target na 4.8 milyong international tourist arrivals bago matapos ang 2023.
Malaking bagay ito dahil ang naturang bilang ay halos dalawang beses ang itinaas mula sa 2.65 milyon na international arrivals sa bansa noong 2022.
☻☻☻
Samantala, kinuwestiyon naman natin kung bakit sa mga turista mula China lamang binuksan ang e-visa system.
Bagama’t sinabi ng DOT na bahagi ito ng mga commitment program ng Pilipinas at China matapos ang state visit ni Pres. Bongbong Marcos sa Beijing, magandang masiguro rin natin na hindi hilaw ang safety measures ng programang ito.
Nababahala kasi tayo dahil maraming Chinese national ang pumapasok sa bansa bilang turista pero ‘di naglaon ay nasasangkot naman sa mga ilegal na aktibidad.
Hindi rin sapat na dahilan na priority market ang Chinese tourists kung ang kapalit naman nito ay ang seguridad ng ating mga kababayan.
☻☻☻
Happy World Teachers’ Day sa lahat ng ating mga guro.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagsusumikap para linangin ang kaisipan ng ating mga mag-aaral.
Mabuhay ang ating mga guro!
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comentários