ni Madel Moratillo | April 17, 2023
Iginiit ng National Security Council na hindi gagamitin sa opensiba laban sa China o pakikialam sa isyu ng Taiwan ang karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites.
Ayon sa NSC, ang pagpili sa EDCA sites ay nakabase sa Strategic Basing Plan ng Armed Forces of the Philippines at hindi mula sa dikta ng United States.
Layon umano ng pinalalakas na ugnayan ng Estados Unidos at Pilipinas na makatulong sa pagpapalakas ng kapasidad ng sandatahang lakas para sa proteksyon ng bansa.
Paliwanag naman ni Defense spokesperson Arsenio Andolong, layon lang nitong protektahan ang territorial integrity ng bansa.
Inoobserbahan din aniya ng Pilipinas ang One China Policy.
Ang pangunahjng concern aniya ng Pilipinas sa Taiwan ay ang kaligtasan ng mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho roon.
תגובות