ni Jenny Rose Albason @World News | July 14, 2023
Nagsagawa ng imbestigasyon ang White House hinggil sa nangyaring hacking ng ilang emails ng kanilang government agencies at organizations.
Ibinunyag ng Microsoft na galing umano sa China ang hackers na nakapag-access sa mga email accounts ng ilang ahensya sa U.S.
Ito ay kinumpirma ni U.S. National Secretary Adviser Jake Sullivan pero agad nila itong naagapan at nagsagawa na ng imbestigasyon.
Mariin naman itong itinanggi ng China at sinabi na ang U.S. ang isa sa pinakamalaking hacking empire at global cyber thief.
Giit pa ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin, nararapat umanong ipaliwanag ng U.S. ang kanilang cyber attack activities at itigil na ang pagpapakalat ng
mga maling impormasyon.
Sa panig naman ng Microsoft, nakikipag-ugnayan na sila sa U.S. Department of Homeland Security at Cybersecurity and Infrastructure Security Agency.
Opmerkingen