ni Thea Janica Teh | September 1, 2020
Niyanig ng Magnitude 6.8 na lindol ang Chile ngayong Martes, September 1, ayon sa US Geological Survey (USGS).
Sa inilabas na pahayag ng National Emergency Office of the Ministry of the Interior and Public Security ng Chile, wala namang napinsalang infrastructure o nasugatang mamamayan matapos ang malakas na pagyanig.
Sa naitala ng USGS, ang lindol ay tumama sa 78 kilometer northwest ng Vallenar na may lalim na 23 kilometers noong 0400 GMT (12 pm, Manila time).
Comments