ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 21, 2020
Nagpositibo sa COVID-19 si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director Isidro Lapeña.
Natanggap umano ni Lapeña ang resulta ng swab test kung saan positibo siya sa COVID-19 ngayong Sabado nang umaga.
Aniya, “Yes at 'yung confirmation, yes I tested positive sa COVID-19.”
Siniguro naman ni Lapeña na tuloy pa rin ang kanyang trabaho kahit sasailalim siya sa isolation.
Aniya, “I will continue to perform my duties while in isolation. Wala nang face to face, I will be in isolation.”
Samantala, una nang naiulat na nagpositibo sa COVID-19 si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
תגובות