top of page
Search
BULGAR

Cherie Gil, pumanaw na sa edad na 59


ni Janiz Navida @Entertainment News | August 5, 2022



Pumanaw na ang magaling na kontrabidang aktres na si Ms. Cherie Gil, Evangeline Rose Gil Eigenmann sa totoong buhay, sa edad na 59, ngayong Agosto 5, 2022 sa ganap na alas-singko nang hapon.


Ito ay kinumpirma ng talent manager na si Annabelle Rama sa kanyang Twitter post ngayong araw.


Wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya kaugnay ng dahilan ng kanyang pagkamatay.


Buong-puso pong nakikiramay ang BULGAR sa mga naiwan ni Ms. Cherie Gil.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page