top of page
Search

Cheng ng Angels sakalam, Defenders, nileksiyunan

BULGAR

ni GA @Sports | October 22, 2023




Mga Laro sa Martes

(Ynares Center, Antipolo)


2:00 n.h. – F2 Logistics vs NXLed

4:00 n.h. – Farm Fresh vs PLDT

6:00 n.h. – Akari vs Chery Tiggo


Madaling winalis ng Petro Gazz Angels ang nagtangka ng magandang laro sa third set na Gerflor Defenders upang masungkit ang maagang pagsosyo sa liderato tungo sa straight set sa 25-11, 25-4, 25-23 sa unang laro ng nakalinyang double-header kahapon sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) second All-Filipino Conference sa Batangas City Sports Center sa Batangas City.


Naging mahusay ang ginawang pagtitimon sa opensa ni Djanel Welch Cheng upang madaling tapusin ng Petro Gazz Angels ang Gerflor ng mamahagi ito ng 11 excellent sets kabilang ang naambag na apat na puntos upang balanseng pamahagian ng mga atake ang koponan tungo sa maagang 2-0 kartada.


Nanguna pagdating sa opensa para sa Angels sina Marian Alisa Buitre na tumapos ng 8pts mula sa 6 atake at dalawang blocks, habang tumapos rin sa kapwa 8 puntos si Nicole Tiamzon sa 8pts mula sa 6 atake at dalawang service aces. Kumana rin si Gretchel Soltones ng 7pts kasama ang 14 digs at 5 receptions, gayundin si Ranya Musa sa 7pts.


"Nakita natin kung pano maglaro yung girls specially kapag disiplinado sila sa pinapagawa sa kanila so I was very happy na nag-respond naman sila sa pinag-aralan namin during training eto lumabas yung result na pinag-aralan namin the past few weeks," wika ni head coach Timmy Sto. Tomas.


"Nakita namin yung sipag at tyaga nila sa loob ng court even though we have long rally's on that set, we've been able to get the set and break points and happy rin ako na maganda yung services namin kaya nahirapan silang makasabay sa amin," dagdag ni Sto. Tomas na mayroong 8 service aces kumpara sa 1 lamang ng Gerflor.



0 comments

Hozzászólások


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page