ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 18, 2024
Photo: Vice Ganda - Miss Universe - FB
Dismayado at malungkot ang mga Pinoy pageant fans dahil sa pagkabigo ng Pilipinas na maiuwi ang korona sa 73rd Miss Universe na ginanap kahapon (Nov. 17) sa Mexico City.
Nakapasok naman ang ating kinatawan na si Chelsea Manalo sa Top 30 ngunit hindi na siya natawag sa Top 12. Si Victoria Kjaer Theilvig ng Denmark ang itinanghal na Miss Universe 2024.
Sa gitna ng pagkadismaya ng ilang Pinoy ay nagpahayag naman ng suporta ang mga beauty queens na sina Janine Tugonon, Michelle Dee, MJ Lastimosa, at Winwyn Marquez para sa ating kandidata.
Tweet naman ni Janine, “You gave a great performance, Chelsea. We are proud of you.”
Pagmamalaki naman ni MJ sa X (dating Twitter), “Our beautiful Chelsea!!! Proud of you, Queen.”
Mensahe naman ni Winwyn, “Mahal kita, Chelsea!!”
Maging si Vice Ganda na fan din ng mga pageant ay nagbigay ng mensahe for Chelsea.
“Thanks Chelsea! Have a safe flight back home!” tweet ni Vice.
Nagbigay din ng komento ang Unkabogable Star sa presentation ng Miss U 2024.
“Lasing at puyat lang ba ‘ko o talagang ang panget ng presentation nitong
#MissUniverse2024???” sey ni Vice at um-agree naman sa kanya ang ibang mga netizens.
Pero heto na ang bagong twist. Hindi naman pala totally talunan si Chelsea dahil nagkaroon ng press conference ang Miss Universe 2024 after the pageant at dito ay inanunsiyo na ang ating kinatawan ang hinirang na kauna-unahang Miss Universe Asia.
Ipinost din ito sa Instagram (IG) account ng Miss Universe Philippines.
“CHELSEA MANALO is the first Miss Universe Asia, one of the Four Continental Queens!
Congratulations, Chelsea! MABUHAY ANG PILIPINAS! (Philippine flag emoji)” ang announcement ng MUPH.
Ayon sa report, Chelsea Manalo is set to travel around Asia and will be joining some of the official trips of the Miss Universe organization.
Habang wala si Alden…
KATHRYN, TODO-YAKAP KAY DOMINIC
Pinusuan ng maraming netizens ang pagdalo ni Dominic Roque sa block screening ng Hello, Love, Again (HLA) na pinagbibidahan ng friend niyang si Kathryn Bernardo at ni Alden Richards.
The block screening was sponsored by celebrity doctor Aivee Teo na ginanap last Friday night.
Ibinahagi ni Dominic sa kanyang Instagram (IG) ang mga larawan sa naganap na block screening na dinaluhan din ni Kathryn. Wala sa mga photos si Alden so, mukhang hindi siya nakasipot.
Makikita sa isang larawan na nakayakap pa si Kathryn kay Dominic na parang siya ang leading man ng aktres sa pelikula, huh!
In fairness, wala naman kaming malisyang naramdaman sa yakapan nila at mukhang yakap-magkapatid lang talaga.
Anyway, ang sweet ng caption ni Dom at obvious na happy siya talaga sa success ni Kath.
“Hello, Love, Again. Congratulations Brooo! I’m proud of you! Alam ko ang pagod, saya, trinabaho mo talaga ‘to, pinaghandaan mo talaga, at kung anu-ano pa!” sey ni Dom.
“Ang gagaling n’yo, ang ganda-ganda ng pelikula, sulit na sulit! Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng Hello, Love, Again,” pagbati pa ng dating aktor.
Nagpasalamat naman ang mga fans ni Kathryn kay Dominic sa pagiging supportive friend nito, pero ang ibang mga netizens ay talagang tinutukso pa rin sila.
“Kayo na lang kasi,” sey ng isang netizen.
“Bagay sila. Hehehe!” reaksiyon naman ng isa pa.
Matatandaang matagal nang nali-link sina Kathryn Bernardo and Dominic Roque dahil nga sa kanilang friendship, kahit na paulit-ulit na nilang nilinaw na talagang good friends lang sila.
Comentarios