ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 23, 2024
Ayon sa isang socmed post na nabasa namin just recently ay nakatakdang makipag-date si Pokwang kasama ang new-found friend niyang si Richard na nakilala niya sa segment na EXpecially For You ng noontime show na It’s Showtime (IS).
“Siyempre, I’m a fan of this segment. And of course, gusto ko naman ding maiba ‘yung ikot ng buhay,” sagot ng comedienne at actress na si Pokwang nang siya ay tanungin ni Vice Ganda kung bakit siya sumali sa segment na EXpecially for you.
Dumalo si Pokwang na tatlong taon nang single bilang searcher nitong Sabado, Agosto 17, katuwang ang kanyang panganay na anak na si Mae na tumulong sa kanya sa pagpili sa tatlong searchees.
Pagkatapos ay ibinahagi ng actress-comedienne ang dating relasyon sa kanyang estranged partner, ang American actor na si Lee O’Brian, na ama rin ng kanyang bunsong anak na si Malia.
Pinili ni Pokwang at ng mga hosts ng palabas na huwag siyang pangalanan sa kanilang pag-uusap, kaya tinawag na lang ng aktres si O’Brian bilang “Chururut Bumblebee”.
“First time in 15 years na Lunes ako magpe-perform. I will make sure that the bar that we will set gives you anxiety. Tataasan natin ‘yang bar na ‘yan,” sabi ni Vice Ganda sa kanyang mga co-hosts during an interview with TV Patrol tungkol sa gagawin nila sa Magpasikat ng It's Showtime.
Kim Chiu also promised a “bonggang” performance given that they have two months to prepare for it.
Darren Espanto shared his thoughts on participating in Magpasikat for the first time.
“I never would’ve imagined na magiging parte ako ng Magpasikat teams. Dati, nag-guest lang ako, then naging hurado. It’s something na I'm looking forward to. Kinakabahan but at the same time, very excited,” ani Darren.
Meanwhile, Showtime Online U also celebrated its eighth anniversary with its hosts performing during the opening of It’s Showtime (IS).
“Kasi ‘di lang naman tayo umeere sa telebisyon. Malaking bagay na merong nanonood sa ‘tin sa digital. You keep them entertained, you keep them cool. Kaya maraming-maraming salamat,” sey ni Vice.
“Thank you so much po sa mga nagtiwala sa ‘min. Alam namin ‘yung mga tiwalang ibinigay n’yo sa ‘min kaya papangatawanan namin ‘yan every single day na bibigyan kami ng schedule rito. Lahat ng mga kuwentuhan dito, sobrang special ‘yun for me,” share ni AC.
Panoorin ang It’s Showtime every 12:00 PM on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel and Facebook (FB) page, iWantTFC, TFC, and GMA Pinoy TV.
Comments