ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 15, 2024
Itinaas ni Luis "Chavit" Singson nitong Lunes ang kanyang reward para sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sumita sa kanyang convoy dahil sa maling paggamit ng EDSA busway.
Bumisita si Singson sa opisina ng MMDA sa Pasig City upang iabot ang reward.
"Nakita ninyo yung sinabi ko sa nag-interview na magbibigay ako ng P100,000 na papremyo sa mga nanghuli, at dahil ilang araw na nangyari, gagawin kong P200,000 ang ibibigay ko,” aniya sa Facebook post.
“This prize was properly received by the accounting and made with receipt. This cash prize could also be used as a support and improvement to the system of MMDA,” pahayag ni Singson.
Noong Abril 8, nakatanggap ng violation ticket mula sa MMDA ang convoy ni Singson matapos mahuli na gumagamit ng EDSA Busway.
Comentarios