ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 29, 2022
Pinarangalan bilang Best Actress ang veteran movie icon na si Charo Santos para sa kapuri-puring pagganap sa Kun Maupay Man It Panahon at si Christian Bables naman ang nakasungkit ng Best Actor award para sa mahusay na pag-atake sa Big Night sa katatapos lang na 5th The EDDYS (Entertainment Editors' Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Matagumpay ngang naidaos ang Gabi ng Parangal sa Metropolitan Theater (MET) noong Linggo nang gabi, November 27, kung saan ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda ang naging host, habang ang OPM legend at singer-songwriter namang si Ice Seguerra ang direktor ng awards night.
Big winner sa The 5th EDDYS ang On The Job: The Missing 8 na nakakuha ng walong tropeo kabilang na ang Best Director para kay Erik Matti, Best Supporting Actress para kay Lotlot de Leon at Best Film (Reality Entertainment).
Nanalong Best Supporting Actor si Mon Confiado para sa pelikulang Arisaka.
Kitang-kita naman ang labis na kaligayahan ni Ms. Charo nang tawagin ang kanyang pangalan. Ibinahagi niya ito sa kanyang mga co-nominees. Bukod sa kanyang producers, direktor at entire cast, pinasalamatan din niya ang kanyang Waray coach.
Panghuli, sabi ng EDDYS Best Actress, "I'd like to share this honor with my family, maraming-maraming salamat, sa pagbibigay n'yo ng puwang sa aking mga pangarap at pagkatao."
At dahil magtatapos na sa ere ang MMK (Maalaala Mo Kaya), aasahan na gagawa siya ng makabuluhang pelikula at tatanggap din ng teleserye.
Bukod sa pasasalamat ni Christian at hindi nga niya alam ang sasabihin, sa dulo ng acceptance speech, nabanggit niya, "Sana po, suportahan natin ang pelikulang Pilipino at makabalik sa mga sinehan, dahil maraming pelikula ang ipapalabas at ipapalabas pa lang.
Sana po, masuportahan natin."
Naging highlight sa Gabi ng Parangal ang pagbibigay-tribute ng The EDDYS sa mga movie icons na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, Elizabeth Oropesa, Helen Gamboa, Divina Valencia at Sharon Cuneta.
Sina Phillip, Roi, Divina at Alma lang ang nakarating sa awards night, na labis-labis ang pasasalamat sa natanggap na pagkilala.
Nagbigay naman ng pasabog at bonggang-bonggang performance sina Jona, Zephanie, Regine Tolentino, Dance Royalties at si Direk Ice sa kanyang madamdaming rendisyon ng Minsan Ang Minahal Ay Ako, na nagpatulo ng luha ng ilan sa mga manonood, sa MET man o sa live streaming na napanood sa iba't ibang bansa.
Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang namahala sa pagbibilang ng mga boto para sa The 5th EDDYS.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa ika-5 edisyon ng The EDDYS:
Best Supporting Actor: Mon Confiado (Arisaka)
Best Supporting Actress: Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8)
Best Sound Design: Corinne de San Jose (On The Job: The Missing 8)
Best Musical Score: Erwin Romulo (On The Job: The Missing 8), Cesar Francis Concio (Love is Color Blind), Teresa Barrozo (Big Night)
Best Original Theme Song: Maghihintay mula sa More Than Blue (Words, music and performance by Marion Aunor)
Best Visual Effects: Mothership (On The Job: The Missing 8)
Best Editing: Jay Halili (On The Job: The Missing 8)
Best Production Design: Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon)
Best Cinematography: Neil Derrik Bion (On The Job: The Missing 8)
Best Screenplay: Jun Robles Lana (Big Night)
Best Director: Erik Matti (On The Job: The Missing 8)
Best Actor: Christian Bables (Big Night)
Best Actress: Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon)
Best Film: On The Job: The Missing 8
Special awards:
Joe Quirino Award: Mario Dumaual
Manny Pichel Award: Eric Ramos
Rising Producers' Circle: Rein Entertainment
Producer of the Year: Viva Films
Isah V. Red Award: Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas, Kapuso Foundation and Sagip Kapamilya.
Posthumous Award: Susan Roces and Cherie Gil
Beautéderm Male and Female Faces of the Night: Sean de Guzman and Alexa Miro
Ang matagumpay na The 5th EDDYS ay hatid ng SPEED at Fire and Ice Media and Productions, in partnership with GLOBE, sa pakikipagtulungan ni Rhea Anicoche Tan at ng Beautederm, NCCA, at Metropolitan Theater.
Kabilang sa mga sponsors ang Nathan Studios, Rep. Arjo Atayde, UNILAB at Tanduay.
Suportado rin ito ng Live Stream Manila, Dr. Carl Balita Foundation ni Dr. Carl Balita, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), JFV Rice Mill, Bataan Rep. Geraldine B. Roman, Mayor Joy Belmonte, Jinkee Pacquiao, Bernard Cloma, MullenLowe Treyna Inc., Browne Communications, at kasama pa ang Cetaphil, Avon, Dermclinic at Watsons.
Congratulations sa lahat ng winners at special awardees.
Mabuhay ang pelikulang Pilipino! See you at The 6th EDDYS next year.
Opmerkingen