ni GA @Sports | November 24, 2023
Mga laro sa Sabado (Philsports Arena)
2 n.h. – Cignal vs NXLed
4 n.h. – Akari vs Petro Gazz
6 n.g – Chery Tiggo vs F2 Logistics
Nananatiling mayroon pang linaw ang tsansa ng Akari Chargers na makapasok sa semifinals matapos madaling walisin ang walang panalong Galeries Tower High Risers sa bisa ng straight set 25-14, 25-21, 25-19 sa pambungad na aksyon ng nalalapit na pagtatapos ng preliminary round ng 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Bumanat ng kabuuang 12 puntos si dating De La Salle Lady Spiker middle blocker Fifi Sharma mula sa 10 atake kasama ang dalawang blocks, habang nakatulong nito si Faith Nisperos sa 12pts mula 10 atake kasama ang siyam na excellent digs. Sumaklolo rin sa produksyon sina Aleona Denise “Dindin” Manabat at Erika Raagas ng tig-siyam puntos, habang may 10 excellent receptions ang huli, gayundin ang 11 excellent sets ni Janel Maraguinot.
“We’re still trying to use remaining games so we can build our confidence kase we came from consecutive loses kaya medyo mabigat din yun for the team and the team’s moral so unti-unti namin and step-by-step nire-rebuild, so I feel like this is a good achievement for the team kase nga yun, kaase naka-produce kami ng talagang convincing win,” pahayag ng 5-foot-11 middle blocker sa kanyang unang taon sa pro-league.
Umaasang malalampasan ng Akari ang mga nalalabing laro kontra sa Petro Gazz Angels sa Sabado at Creamline Cool Smashers sa susunod na Huwebes upang makausad sa susunod na round sa siksikang agawan sa gitna ng team standings matapos umangat sa kanilang ikalawang sunod na panalo para maitala ang 5-4 kartada katabla ang Petro Gazz sa ika-anim at ikapitong spot.
Comments