ni Gerard Arce @Sports | August 15, 2024
Mga laro ngayong araw (Huwebes)
(Philsports Arena)
1 n.h. – Capital1 vs Farm Fresh
3 n.h. – Akari vs NXLed
5 n.h. – Cignal vs Galeries
Pnanatilihin ng Akari Chargers ang kanilang malinis na kartada sa pakikipagtapat sa sister-club nitong NXLed Chameleons, habang ipagpapatuloy ng Cignal HD Spikers at Capital1 Solar Spikers ang paghahabol sa solo second at fourth place, ayon sa pagkakasunod sa pagpapatuloy ng crossover preliminaries ng 2024 Premier Volleyball League Reinforced Conference ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.
Isang malaking sorpresa ang ipinakita ng Akari na may malalim na listahan ng talentong manlalaro na pinagbibidahan ng kanilang import na si Oly Okaro para magkaroon ng pambihrang 6-0 marka, habang nakasuporta ang mga lokals na sina Gretchel Soltones, Ivy Lacsina, Camille Victoria, Princess Madrigal, Eli Soyud, Kamille Cal, Michelle Cobb, Dani Ravena at Celine Domingo, habang hinihintay pa ang pagbabalik sa koponan nina Fifi Sharma at Faith Nisperos mula sa Alas Pilipinas National team.
Matapos ang seventh place finish sa nagdaang All-Filipino Conference ay nagpakita ng panggulat na laro ang Akari sa pangunguna ng import na si Okaro para sa malinis na kartada sapol ng lumahok sa liga noong 2022. Mahusay din ang pagbabalasa ng mga manlalaro ni coach Taka Minowa na mahusay ang ipinapakitang sistema sa pagpapalakas sa grupo.
Kasunod naman ng panibagong record-high ni Marina Tushova na 49 puntos kontra sa NXLed, ay susubukang ipagpatuloy nito ang mainit na atake laban sa Farm Fresh na naghahanap na makausad pa sa quarterfinals.
Makakatulong ng Russian spiker sina Jullia Ipac, rookie Leila Cruz, at playmaker Iris Tolenada para makuha ang solo fourth spot at lampasan ang Creamline Cool Smashers at Chery Tiggo Crossovers na kapwa may 4-2 marka.
Comments