ni GA @Sports | November 17, 2023
Mga laro bukas (Sabado)
(Cagayan de Oro)
4:00 n.h. – Gerflor vs Akari Chargers
6:00 n.g. – PLDT vs Creamline
Tinudla ng NXLed Chameleons ang kanilang ikalawang sunod na panalo para sa kauna-unahang winning streak matapos bokyain ang kulelat na Galeries Tower High Risers sa straight set 25-22, 25-18, 25-17 sa unang laro ng itinakdang triple-header na mga laro sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference kahapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.
Kumarga ng birada sa hambalos si dating Adamson University Lady Falcons middle blocker Krich Macaslang upang sumegunda sa paglatag ng unang winning streak ng NXLed sa kabuuang 11 puntos mula sa walong atake, kasama ang dalawang service aces at isang block upang makatulong ng maigi sa pagkuha ng 3-5 kartada ng koponan na nakatulong si Jhoanna Maraguinot na nanguna sa 13pts mula sa 11 kills, kasama ang pitong excellent digs at anim na excellent receptions, habang nag-ambag rin ng doble pigura si Lycha Ebon sa 10pts at Camille Victoria sa walong puntos.
“Nag-mature kami as a player kase may in-game adjustments kami, although natagalan kami half of the sets, pero naka-adjusts kami ginawa namin na pina-delay namin yung movements kase medyo nababasa nga nila yung plays namin,” wika ng 6-foot middle blocker matapos ang laro. “Kailangan lang naming i-maintain yung hunger for the game specially na bago kami, and we will improve as a new team, we are not scared and we will give a good fight that every team in the PVL now can compete.”
Sinandalan ng Chameleons ang matutulis nilang services ng makakuha ng malaking tulong higit sa sa second set upang makalikom ng kabuuang 11 puntos mula sa aces kumpara sa lima lamang ng Galeries, habang mas nabawasan ang mga errors ng NXLed sa 15 laban sa 18 ng Galeries tungo sa ikatlong panalo sa walong laro.
Comentários