top of page
Search

Chairman ang mismong backer… RIA, SPOKESPERSON NG MMDA

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See |May 21, 2023


Kung hindi mapupulitika, malamang na maging spokesperson ng MMDA si Ria Atayde.


Ayon sa nakalap namin, mga Ka-BULGAR, highly recommended ang aktres ng mismong opisina ni MMDA acting Chair Dan Artes para sa posisyon.


Kuwalipikado naman daw ang aktres na personal na ni-recruit ni Artes at nasa Malacañang na ang papeles nito para paaprubahan.


Bukod sa degree ni Ria na Communication Arts, ang pambihirang kasanayan nito sa pagharap sa tao, adbokasiya bilang empowered woman at imahe nitong nababagay sa public service ang ilan pang mga katangian ng aktres upang irekomenda itong maging spokesperson ng naturang government agency.


Hindi rin birong posisyon ang maging spokesperson dahil mas matindi pa sa mga intrigang showbiz ang posibleng harapin ni Ria subalit confident ang agency na kering-keri ito ng aktres.


At dahil nag-agree naman si Ria sa alok ng MMDA, nagtitiwala ito sa kanyang kakayahan. Huwag lang talagang mapulitika, 'noh!


So, here's wishing her the best at masasabing magandang training ito para kay Ria 'pag nagkataon lalo't nasa public service na ang kanyang kapatid na si Cong. Arjo Atayde.


Malay natin, soon ay pasukin na rin ito ng maganda at matalinong aktres.


Ibig sabihin kaya niyan, for now, ay hindi muna seseryosohin nang bongga ni Ria ang mga tsikang magiging Mrs. Zanjoe Marudo na siya?


Hmmm, hindi ba't busy din si Ria sa pagpapatakbo ng kanilang movie production outfit na may balak mag-produce pa ng mga projects na posibleng isali sa mga international filmfests gaya ng CANNES kung saan nandu'n ngayon ang magkapatid for their Topakk project?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page