ni Julie Bonifacio - @Winner | July 10, 2022
Eksklusibong inilahad ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra ang buong kaganapan sa transition-brouhaha ng kanyang ahensiya sa guesting niya kahapon sa #CelebrityBTS Bulgaran Na! with yours truly and BULGAR’s entertainment editor na si Ateng Janice Navida na napapanood sa Facebook page ng BULGAR every Saturday, 11 AM to 12 NN.
It was revealed na parang last to know na papalitan na siya sa kanyang posisyon ay mismong si Chair Liza.
Monday night when she received a text message asking her if true na may pumalit na sa kanya.
Nasa opisina raw siya nu’ng may magsabi na ang aktor na si Tirso Cruz III na ang itinalaga bilang bagong FDCP chair.
Nagmi-meeting sila nu'n para sa gagawin nilang pagdiriwang ng Philippine Film Industry month.
“I will accept kung sinuman kasi prerogative talaga ng president ‘yan. Pero I wanna manifest that, I am also seeking, I am also manifesting my intention to complete my term. Kasi nga, ang dami pang puwedeng gawin,” paliwanag niya.
Until na-confirm na nga ni Chair na nanumpa na si Kuya Pipo as the new FDCP chair nu'ng Martes.
Naisip daw ni Chair Liza na mag-reach out kay Kuya Pip para masagot ang mga nagtatanong tungkol sa balita at kunin ang kanyang reaksiyon.
“Nag-reach out ako. Sabi ko, ‘Teka, magri-reach out po ako kay Kuya Pip.’ Kasi kilala ko siya. Hahaha! So, sa akin, napakadali. Wala naman akong balak na… kung hindi para sa akin, hindi para sa akin.
“So, nag-message ako. Sabi ko, ‘Dear Kuya Pip. Kumusta na kayo? Just wanna ask you something.’
“I didn’t even tell it’s about FDCP. Sabi ko lang, I hope I can call,” kuwento ni Chair Liza.
Naikuwento rin ni Chair Liza na tinawagan siya ni Kuya Pipo and apologized to her sa kung anumang dahilan.
“But siguro, he’s also experiencing his own ano, saka nu’ng nag-usap kami, sinabi niya ‘yun, he apologized. Sobrang nakakatuwa.”
Kinumusta namin si Chair after na ma-confirm niya ang mga bagay-bagay.
“I’m okay, I’m better than the first time that I heard it. Kasi 'di ba, iba 'yung feeling ng shocked, eh, ‘di ba?” umpisa niya.
Dugtong pa niya, “Iba ‘yung parang biglaan siya. Of course, it’s normal to… na i-process nang maayos ‘yung nangyari. Pero I’m more better now. Super busy.”
Ipinatawag daw si Chair Liza sa Malacañang at doon nilinaw ng mga tao ni P-BBM ang estado niya sa FDCP at kung paano ang transition ng pag-upo ng bagong mamumuno sa ahensiya.
Siyempre, may pabor at hindi sa pag-alis kay Chair sa FDCP. D'yan pa lang, pansin ng iba na may “paghahati” na sa film industry. And how ironic daw kung kailan may binubuo siyang event para sa pagsasama-sama at pagkakaisa ng industriya, saka naman may “pagkakampi-kampihan.”
“I hope that it will not divide the industry. Kasi as it is, you know, struggling pa rin tayo na makahanap ng communality,” diin niya.
It must always our goal daw to unite the industry, magkaroon ng common goal.
Isang masasabing achievement na nagawa ni Chair Liza sa goal niya to unite the industry ay ang pagtutulungan ng indie films community at ng mainstream movies.
Marami pang tsika si Chair Liza sa aming interbyu sa kanya sa #CelebrityBTS Bulgaran Na sa Facebook page at YouTube channel ng BULGAR.
Comments