ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 25, 2021
Hindi sinasadyang naipasilip ni Alice Dixson ang profile-hitsura ng kanyang karelasyon habang siya ay nagba-vlog recently.
Hindi lang nakunan ng close-up ang mukha ng kanyang BF. Side views lang ang nakita dahil mabilisan ang kanyang pagdaan sa likuran ni Alice habang nagba-vlog ang aktres.
Ganunpaman, at least, may idea na ang mga netizens kung ano ang hitsura ng karelasyon ng aktres. Hindi naman sila nagkakalayo ng edad, medyo tisoy at maganda ang porma ng katawan ng guy.
Ang akala noon ng marami ay foreigner at medyo may-edad na ang karelasyon ni Alice. Isa raw kasi itong CEO ng malaking kumpanya at may-ari ng private resort-hotel sa Boracay.
Matagal nang naninirahan sina Alice sa Bora. Du'n namamalagi ang aktres kapag walang showbiz commitments.
Ngayon ay sa Manila muna naka-stay si Alice dahil lead cast siya sa bagong serye ng GMA Network, ang Legal Wives kasama sina Dennis Trillo, Andrea Torres at Bianca Umali. Magsisimula na sila ng locked-in taping.
Ibang-iba ang aura ngayon ni Alice Dixson dahil natupad ang pangarap niyang maging isang ina. Isang cute na baby girl ang kanyang anak na isinilang via surrogacy.
Comments