top of page

Celebs na tumatakbo sa pulitika, bina-bash… RICHARD: UNFAIR ‘YAN, MARAMING MATATALINONG ARTISTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 17, 2025



Photo: Richard Yap - Instagram


Umalma si Richard Yap sa mga nagba-bash sa mga celebrities na pumapasok sa politics.  


Guest kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang aktor kung saan na-tackle nila ang unfair criticism na natatanggap ng mga celebrities kapag pumapasok sa pulitika.  


Dating pumalaot din ang aktor sa pulitika, pero hindi siya pinalad na manalo.  

Tanong ni Kuya Boy, “What’s causing political bankruptcy ay ang pagpasok ng mga artista sa pulitika, your comment?”  


Sagot ni Richard, “I think that’s unfair because there are a lot of artists who have the brains to be able to be in politics, to be in public service.”


Dagdag pa niya, “That statement is based on a certain percentage of people who are there in power and sinasabi nila ganu’n na lahat. So it’s a generalization. It’s unfair for a lot of us.”


 

SA Instagram ni Ria Atayde, ipinasilip niya ang kanyang fitness journey.  

Determinado na ang aktres na ibalik sa dati ang ganda ng kanyang katawan.  


Todo ang pag-eehersisyo ng aktres lalo na ang pilates session dahil mas nadagdagan ang kanyang timbang sa kanyang postpartum.  


Sa 29th week ng ginagawa niyang pilates session, naramdaman niyang nababawasan ang kanyang timbang kaya patuloy niyang ginagawa ito para lubusan siyang maging healthy physically.  


Matatandaang ipinanganak ni Ria ang first child nila ni Zanjoe Marudo last September, 2024.  


Last March 23 ay nag-celebrate si Ria ng kanyang 33rd birthday, at the same time ay 1st wedding anniversary din nila ni Zanjoe. 


Tamang-tama rin na 6 months na ang kanilang baby boy na si Sabino.  

Ang caption ni Ria Atayde, “Ringing in 33 with a dance party for our triple celebration.”  


 

‘Di na mukhang tatay ni Julia… 

GERALD, BAGETS NA ULI



Last Sunday, April 13, ang daming na-surprise sa pag-intro ni Robi Domingo kay Gerald Anderson. Yes, muling tumapak sa stage ng A.S.A.P. ang aktor para magpamalas ng husay niya sa pagsasayaw.  


Humataw nga sa dance floor ang boyfriend ni Julia Barretto at hindi pa rin nagbabago ang galing niya sa paggiling lalo nang itaas niya ang kanyang t-shirt at ipakita ang kanyang 6-pack abs.  


Kapansin-pansin din na bumalik na ang magandang pangangatawan ni Gerald at hindi na mukhang tatay ni Julia. Nagtitilian ang nasa audience habang nagsasayaw ang aktor.  

After magsayaw, ani Ge, na-miss niya ‘yung days na lagi siyang nasa A.S.A.P. to do dance number.  


“8 years kong na-miss ‘to. It’s been a long time na rin. And I’m grateful na muli akong nakabalik. Na-miss ko rin ‘to.”


Pinasalamatan niya ang A.S.A.P. sa kanyang IG account, “After 8 years… kinaya pa rin ng tuhod. Thank you @asapofficial for this homecoming!”  


Ang daming celebrities na nag-congratulate sa aktor sa pagbabalik niya sa dance floor.  


Sey nga ni Anne Curtis, “Nakaaaaannnggg! Eto pala, e!”  


Reply ng aktor, “Hahaha! Nakalabas na kasi ako ng Matungao.” 


Hindi kasi nag-abot ang dalawa nang magtungo si Anne sa lugar na ‘yun.

“Idol talaga sa dancefloor,” mula naman kay John Prats.  


Ani Gerald, “@johnprats Iba pa rin ang dancefloor heartthrob.”


Ang iba ay hindi na-recognize na si Gerald ang nagsasayaw dahil sey ng isang netizen,

“You look so bagets. At ang galing mo pa ring sumayaw. Lakas pa rin ng stage impact.”

Comment naman ni Enchong Dee, “Ibang-iba! @rayvercruz ang galing pa ring humataw kaya pala iba ang init ng Sunday ‘coz of this prod.”  


Papuri naman ni Rayver Cruz, “Grabe ang lupet, my idol. Bagets na bagets! Hahaha! Mismo ka, bro!”  


Sagot ni Gerald, “Hahaha! Mana lang ako sa inyo.”  


Nabuhay naman ang KimErald fans: “Kaway-kaway, mga KimErald fans!” 

Request tuloy nila, sana raw ay pagsamahin sa dancefloor sina Kim Chiu at Gerald Anderson (KimErald).  


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page