ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 5, 2024
HINDI sa National Bilibid Prisons (NBP) Muntinlupa unang dinala ang akusadong si Cedric Lee after na mahatulang “guilty beyond reasonable doubt” ng Taguig Regional Trial Court last May 2 sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.
No show kasi sa promulgation si Lee, kaya ang kapwa akusadong si Simeon Raz lang ang unang nadala sa NBP, habang ang isa pang akusado na si Ferdinand Guerrero ay patuloy na nagtatago hanggang ngayon.
Si Deniece Cornejo naman ay nakapiit na umano sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Sumuko rin naman agad si Lee sa NBI kinabukasan at ngayon ay nasa kustodiya na rin ito ng NBP.
Dahil sentensiyado na sila ng Taguig RTC last May 2 ng habambuhay na pagkakakulong, “persons deprived of liberty” o PDL na ang tawag kina Lee, Raz, Guerrero at Cornejo.
Comments