top of page
Search

Cebuana skater Didal, may secret weapon sa Olympics

BULGAR

ni MC - @Sports | June 27, 2021




Kumpiyansa si Filipino skateboarder Margielyn Didal na maganda ang maipakikita nitong laban sa pagsabak sa paparating na Tokyo Olympics.


Sabik na ang 22-year-old Cebuana sa gagawing strategy sa pagsagupa kontra sa pinakamagagaling na skaters sa mundo sa pinakamalaking stage. "I'm really happy it's happening in less than a month. Ito ang inaantay ng lahat. We've been preparing the past three years. I'm really excited na for the first time magkakaroon ng skateboarding the Olympics," ani Didal. "It's really going to be tough. We have strong competitors from Brazil, US, Tokyo (Japan). They have a lot of skate parks. They can train without traveling. But I'm positive, I can do it."


Kahit patuloy ang training nito, pupunta ang reigning Asian Games champion at kanyang coach na si Danny Bautista sa Los Angeles sa July upang dumaan pa sa mas mabigat ng training.


Plano umano nilang sa US na hasain ang skating tricks na inihanda nila para sa Olympics. Nakapasok si Didal sa Tokyo matapos ang kanyang semifinal finish sa katatapos na Street World Championships-Olympics Qualification event sa Rome, Italy.


Hindi umano masyadong hinusayan ni Didal ang kanyang performance sa Street World Championships dahil ang misyon nila ay maka-qualify sa Olympics at para maiwasan na rin ang injury, ani Bautista. "We just stuck with the tricks she's comfortable with in the middle section. But for the Olympics,. we're gonna go all out. We're going to skate what everyone else is skating," wika nito . Inaasahang ng magiging mabigat ang laban ni Didal sa Olympics kontra sa tatlong Japanese skaters sa pangunguna nina world No. 3 Aori Nishimura at world No. 5 Momiji Nishiya. Makasasagupa rin ni Didal ang skateboarders mula Brazil -- Pamela Rosa at Rayssa Leal, na dalawa magaling na female street skateboarders sa ngayon at si world No. 4 Leticia Bufoni. "Ang strategy nila, same lahat. I know I have a bag of tricks they don't have, so we'll see. That's how we'll train three weeks before the Olympics," ani Didal.


0 comments

Recent Posts

See All

Komentáře


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page