top of page
Search
BULGAR

Cebu no.1 sa listahan ng may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19

ni Jasmin Joy Evangelista | January 29, 2022



Naitala sa lalawigan ng Cebu ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, ayon sa independent analytics group OCTA Research ngayong Sabado, base sa datos mula sa Department of Health (DOH).


Ayon sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Guido David sa Twitter, nakapagtala ang Cebu nh 1,469 new COVID-19 cases nitong Biyernes.


Sinundan ito ng Davao del Sur na may 1,232 new cases, Iloilo na may 982 cases, Laguna na may 814 cases, Cavite na may 678 cases, at Benguet na may 612 cases.


Nitong Biyernes ay ini-report ng DOH na mayroong 18,638 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan mayroong 2,256 mula sa Metro Manila.


Kamakailan lang ay ibinaba sa moderate risk status for COVID-19 ang Metro Manila mula sa nakaraang high risk status, ayon sa DOH.


Samantala, batay sa obserbasyon ng DOH, mayroong pagtaas sa bilang ng mga bagong kasong naitatala sa mga parte ng Visayas at Mindanao, partikular sa Western at Central Visayas at maging sa Davao region.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page