top of page
Search
BULGAR

Cebu City Mayor vs. Barangay Officials

ni Twincle Esquierdo - @News | June 28, 2020



Nagpakita ang alkalde ng Cebu City na si Edgardo C. Labella ng show cause order laban sa mga opisyal ng barangay sa Basak San Nicolas noong linggo dahil sa pagsasagawa ng parada. Nakasaad sa show cause order na "It is apparent from the occurrence that the barangay has been too complacent in implementing the clear mandate of the law and has been negligent in its duty to enforce the Executive Order," Dagdag pa nito "This office sternly warns you that these violations are not taken lightly and we will be referring these acts to the appropriate authorities who can impose the sanctions that may be called for after due investigation," Ayon sa local na pamahalaan, itinuturing na hotspot ng COVID-19 ang brgy. Basak San Nicolas na hindi bababa sa 90 ang kumpirmadong kaso. Binigyan ng 24 oras ang brgy official upang ipaliwanag ang nasabing kaso. Ayon sa Kapitan ng brgy. na si Norman Navarro ay hindi niya alam na nagsagawa ang mga taga-Sitio Alumnos ng kapistahan. Ginawa ang pagdiriwang bilang karangalan sa Banal na Anak na si Jesus. Dagdag pa nito hindi daw sila sang-ayon sa ginawa ng mga ito at hindi raw nila ito inaprubahan. Kaya ipinatawag ng kapitan ang nag-orginsa ng festival parade upang tanungin sa nilabag nito noong enhanced community quarantine (ECQ) Sinabi ni Cebu City Mayor Edgar Labella na inutusan din niya ang City Attorney's Office na magsagawa ng pagsisiyasat sa insidente. Idinagdag niya na maaari niyang sabihan si City Attorney Rey Gealon na makipag-ugnay sa Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police, tungkol sa paglabag ng mga ito.

Samantala, inilarawan ni Cebu City Councilor Edu Rama ang insidente bilang "completely unacceptable." Sinabi pa ni Rama na nais niyang singilin ang mga organisa dahil inilagay nila sa peligro ang buhay ng mga taong sumama sa kanila at nanuod. Kumalat sa social media ang litrato noong sabado. Ipinakita rin sa lawaran na mayroong ding mga sumasayaw at naka-filipiniana pa ito sa Alumnos.

Sinabi ng mga netizens at residente ng Alumnos na walang mga tauhan ng pulisya sa lugar na pumipigil sa parada.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page