ni Lolet Abania | March 2, 2021
Nakalabas na ng ospital sina Cebu Archbishop Jose Palma at retiradong Auxiliary Bishop Antonio Rañola, ayon sa report na nai-post sa website ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
Sina Palma at Rañola ay dumating sa tahanan ng mga Archbishop bandang alas-5:00 ng hapon kahapon matapos na manatili sa ospital ng 10 araw kung saan sila ay sumailalim sa gamutan kontra sa COVID-19.
Sa isang video message, nagpahayag ng labis na pasasalamat ang arsobispo sa lahat ng medical workers na gumamot sa kanila at mga nagdasal para sa agaran nilang paggaling.
“It’s nice to be home to resume our duties and ministries,” ani Palma. Gayundin, ang prelate ay humiling ng panalangin para sa iba na nananatiling may sakit at sa mga namatay dahil sa COVID-19.
“For us who are given another opportunity to continue our ministry, we say praise God,” sabi pa niya.
Comments