ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 26, 2022
Inaabangan na ang tila pagpapatalbugan sa hosting ng tatlong former Miss Universe title holders na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere at Demi Leigh-Tebow sa darating na coronation night ng Miss Universe Philippines sa Mall of Asia Arena sa April 30.
Nakatuon naman ang pansin ng mga beauty pageant fanatics sa pagiging panauhing pandangal ng kasalukuyang Miss Universe 2021 na si Harnaaz Sandhu ng India at sa pagpili ng kakatawan sa ating bansa sa susunod na Miss Universe pageant.
Sa kanyang panayam, sinabi ni Miss Universe Harnaaz na ito ang kanyang kauna-unahang country visit at excited siyang makita ang lahat ng kandidata sa Miss U Philippines.
Bukod sa coronation night, naririto si Zandhu with Plan International "to talk about menstrual equity". Sandhu meets with youth advocates during the "Period Pains: Tracking the Challenges of Menstrual Equity" event sa Bay City-Manila in Pasig City.
Dumating si Miss Universe Zandhu sa Pilipinas nu'ng Linggo (April 24), halos isang linggo pa bago ang coronation night at sinundo siya mula New Delhi ni dating Ilocos Sur Mayor Luis "Chavit" Singson kasama ang kanyang anak na si Architect Richelle Singson-Michael, sakay ng kanilang 12-seater private plane, ang Air Beauty One.
Samantala, may mga nagtataka at nagtatanong naman kung ano ang magiging partisipasyon ng isa pang Miss Universe natin na si Catriona Gray sa naturang upcoming event.
May nabasa kaming interview kay Catriona kung saan sinabi nitong bagama't invited naman siya, hindi niya sure kung makakadalo at depende raw 'yun sa kanyang schedule.
Tanong, bakit nga ba si Pia at hindi si Catriona ang Miss U na napili para mag-host ng event?
Just asking…
Comments