ni VA / Gerard Arce @Sports | March 12, 2024
Umusad ang Filipina fencer na si Samantha Catantan bilang kinatawan ng Penn State University sa championship stage ng US NCAA Fencing meet matapos humanay sa Top 7 pagkaraang pumuwestong second overall sa Mid-Atlantic/South Regionals noong Sabay, Marso 9 sa Drew University sa New Jersey.Nagtala si Catantan ng 7-4, win-loss record sa third round upang pumangalawa kay Charlotte Koenig ng Duke University (8-3).
Nagtabla sa kartadang 7-4 si Catantan at ang mga fencers ng University of Pennsylvania na sina Katina Ortiz Proestakis at Sabrina Cho, ngunit umangat ang Pinay sa second spot dahil sa mas mataas nitong index.
Kasalukuyang nasa ika-4 na taon bilang accounting student-athlete sa PSU at kauna-unahang "homegrown" fencer na nakakuha ng full athletic scholarship sa US NCAA Division 1 school, sasabak si Catantan sa kanyang ika-4 na sunod na US NCAA Division 1 Championship sa Marso 21 - 24 sa French Field House sa Columbus, Ohio.Sinikap ng 22-anyos na miyembro ng Philippine Fencing Team na makabalik matapos pumailalim sa left knee surgery noong Hunyo, makaraang magtamo ng punit sa kanyang anterior cruciate ligament (ACL) sa semifinal round ng Southeast Asian Games sa Cambodia.
Samantala, magsisilbing bagong head coach ng “Kayod Pilipinas” Squash national team si dating World No.5 squash player Wee Wern Low upang hasain pa ang kahusayan nina top-national squash players Jemyca Aribado at Reymark Begornia para sa mga darating na pandaigdigang kompetisyon kabilang ang 2028 Los Angeles Olympics.
Ipinagmamalaki ni Philippine Squash Academy Inc President Robert Bachmann ang pagkakakuha sa serbisyo ng top-Malaysian squash player upang tugunan ang mga pangangailangan at kakulangan ng koponan sa kanilang larangan na agad na nagpalabas ng pagbabago sa kabuuang programa at mga atleta nito.
Comentários