top of page
Search
BULGAR

Cashless policy sa mga kulungan

ni Mai Ancheta @News | August 22, 2023




Sa halip na pisikal na pera, booklet na ang gagamitin para sa mga preso sa lahat ng kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor) bilang implementasyon ng cashless policy ng ahensya.


Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang, Jr., ang cashless policy ay paraan upang hindi magamit ng persons deprived of liberty (PDLs) ang pera sa ilegal na mga tranksaksyon.


Ang booklet ay tulad ng ginagamit sa mga bangko at limitado lamang sa P2,000 ang maaaring tanggapin ng PDLs kada linggo.


Binalaan ni Catapang ang mga BuCor personnel na tatanggalin sa serbisyo ang mga ito kapag nahuling may hinahawakang booklet ng PDL.


Sinabi ng opisyal na hindi dapat nakikialam ang Correction officers sa pera ng mga PDL kaya masisibak agad ang mga ito kapag may mahuling lalabag sa patakaran.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page