ni Thea Janica Teh | October 28, 2020
In-extend na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng cashless payment system sa lahat ng expressway sa Disyembre 1, 2020.
Sa inilabas na pahayag ng DOTr ngayong Miyerkules, ito umano ang kanilang sagot sa mga motoristang hindi pa nakakapagpakabit ng Radio Frequency Identification (RFID) sticker sa kanilang mga sasakyan.
Ayon kay Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales, pumayag umano si Secretary Arthur Tugade sa pagpapalawig nito upang mabigyan pa ng oras ang mga motorista na magpakabit ng RFID sticker.
Dagdag pa ni Sales, ito na ang pinakahuling pagpapalawig nito at siguradong ipatutupad na ang cashless payment system sa Disyembre 1.
Kaya naman pinaalalahanan ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor ang lahat ng motorista na magpakabit na ng RFID sticker at huwag nang hintayin ang deadline.
Sa ilalim ng Department Order 2020-012, iniutos ng DOTr ang cashless transaction sa lahat ng toll road operator na magsisimula sana sa Nobyembre 2 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Comentarios