top of page
Search

Caruso, nagbabala kay Folayang... pero Pinoy, handa sa ONE C'ship

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | October 26, 2020




Tila nagpahiwatig ng babala ang Australian fighter na si Antonio “Spartan” Caruso laban kay dating ONE Lightweight champion Eduard “Landslide” Folayang hinggil sa lahat ng mga kakayanan nitong maipakita sa oras na magharap sila sa Oktubre 30 sa undercard match ng star-studded at championship packed na ONE: Inside the Matrix sa Oktubre 30 sa Singapore Indoor Stadium.


Maituturing ng isang alamat sa mundo ng mixed martial arts ang Team Lakay member na tubong Baguio City, kaya’t ganoon na lamang ang pagsisigasig at motibasyon ng 29-anyos mula Adelaide, South Australia na makamtan rin ang natamong tagumpay ng dating two-time lightweight champion.


Nais tuldukan ni Caruso (7-1) ang alamat ng Team Lakay wushu specialist na si Folayang (22-9) na hindi pa nakakalaban ang uri ng mandirigma sa mga dati nitong katunggali.


He has never fought a person like me before. He fought a lot of boxers, kickboxers, wrestlers, jiujitsu fighters, but he hasn’t seen a fighter like me and that’s what I’m going to bring coming on Oct. 30. Need to deal with me,” pahayag ni Caruso sa ginanap na online-virtual press conference nitong Biyernes ng hapon sa zoom app. “If you want to be a legend, you need to beat a legend. I will show everyone that there’s a new challenger in the lightweight division,” dagdag nito.


Gayunpaman, hindi naman nagpasindak ang dating 3-time Southeast Asian Games wushu gold medalists, dahil inaasahan na nitong ibubuhos lahat ng Aussie All-around fighter ang kanyang kakayanan at kaalman sa pagtatapat nila, samantalang nakahanda ito sa lahat ng ipapakita ng banyagang kalaban.


Expect ko na ilalabas niya yung best niya sa laban namin. We have different style and that’s the best thing that everyone must watch,” saad ng dating 2006 Doha Asian Games silver medalist.


Aminado si ONE Championship Chairman at CEO Chatri Sityodtong na malaki pa ang maibubuga ng beteranong Filipino fighter pagdating sa pakikidigma sa loob ng octagon ring, dahil naniniwala itong kaya pa nitong talunin ang sino mang itapat rito.


He’s still there mentally. He’s always hungry like a grisly lion and always improves his skill sets,” wika ni Sityodtong patungkol kay Folayang. “He can beat any person at any given night,” dagdag ng Thai executive at entrepreneur.


Ito rin ang paninindigan ng dating Universal Reality Combat Championship (URCC) welterweight champion tungkol sa kakayanan nitong ipagpatuloy pa rin ang apoy sa kanyang pakikipaglaban at tanging masasabi nito sa banta ng Aussie opponent, “Only carabaos get old. I enjoy what I’m doing, and I put a lot of effort every time I fight. I believe I still remain fresh and ready to fight.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page