top of page
Search
  • BULGAR

Carlos Yulo, kung mabuting anak lang baka umabot pa sa bilyon ang biyaya

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 16, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MGA CONG. TIKLOP KAY EX-P-DUTERTE -- Kabilang si ex-P-Duterte sa pinadalhan ng imbitasyon ng Quad-Committee tungkol sa imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJK), Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at illegal drugs, pero patuloy silang dinededma ng ex-president, at dahil diyan ay sinabi ng mga kongresista na irerespeto raw nila ang desisyon ng dating pangulo na isnabin ang imbitasyon ng Kamara.


Pagpapakita ‘yan na tiklop ang mga cong. kay ex-P-Duterte kasi sa oras na puwersahin nila itong dumalo sa House hearing tulad ng ginagawa nila sa ibang resource person ay baka lumusob sa Kamara ang milyun-milyong DDS at diyan na mag-umpisa ang malaking gulo sa ‘Pinas, period!


XXX


KUNG NAIS NG QUAD-COMMITTEE NA SUMUKO SI HARRY ROQUE, DAPAT I-CONTEMPT AT IKULONG DIN SI AR DELA SERNA -- Matapos i-contempt ng Quad-Committee si former presidential spokesman Harry Roque ay nagtago na ito.

Sa totoo lang, unfair kay Roque na lagi na lang siyang kinu-contempt para ikulong sa Kamara at hindi kinu-contempt ang dati niyang staff na si poging AR dela Serna.


Ang nais nating ipunto rito ay kung nais ng Quad-Committee na sumuko si Harry Roque, simple lang ang dapat nilang gawin at ito ay i-contempt din si AR, at kapag ginawa nila iyan, ay baka mabilis pa sa kidlat na magtungo sa Kamara si Roque para magkusa at magpakulong din sa House of Representatives, boom!


XXX


BAD KASI ANG UGALI NI CARLOS YULO KAYA WALANG KUMPANYANG KUMUKUHA SA KANYA BILANG ENDORSER NG MGA PRODUKTO -- Kung naging mabuting anak lang si 2 gold medalist Carlos Yulo, malamang abutin sa bilyong piso ang kitain niya dahil nga dalawang gintong medalya sa Paris Olympics ang naiuwi niya sa Pilipinas.

Nasabi natin ito kasi napuna natin na walang kumpanya na kumukuha sa kanya bilang endorser ng kanilang produkto.


Kung meron man tayong nababalitaan na nagbibigay ng biyaya kay Caloy, iyon ay mga naunang naipangako na ng mga kumpanya noong makamit niya ang ikalawang gold noong Aug. 4, na ‘ika nga, tinupad lang ang pangako, pero nang i-TikTok niya noong

Aug. 6 ang kanyang ina at palabasing magnanakaw raw ito, nadismaya ang mga kumpanya, hindi na siya kinuhang endorser dahil kasiraan sa kanilang mga produkto na ang kukunin nilang endorser ay suwail na anak, nagtakwil pa sa buong pamilya, period!


XXX


MGA NASA LIKOD NG ILLEGAL ONLINE SABONG DAPAT DAKPIN -- Ilang kongresista ang nais na gawing legal ang online sabong.


Kung gusto pa lang gawing legal, patunay ‘yan na ilegal ang nagkalat na online sabong ngayon na ipinalalabas sa social media.


At dahil ilegal, kaya’t dapat umaksyon ang gobyerno para dakpin ang mga nasa likod ng illegal online sabong sa social media, boom!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page