top of page
Search

Carlos P. Romulo Bridge sa Pangasinan, bumagsak

BULGAR

ni Lolet Abania | October 20, 2022


Bumagsak ang bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge sa bayan ng Bayambang sa Pangasinan province ngayong Huwebes ng hapon.


Sa social media post ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sinabi nitong ang tulay ay nag-collapsed bandang alas-3:37 ng hapon sa Barangay Wawa.


Ayon kay Jose-Quiambao, tinatayang dalawang truck ang sangkop sa insidente. Agad namang isinugod ng mga rescuers ang mga pasahero nito sa ospital.


Sa ulat ng GMA News, hindi pa malinaw kung may nasawi matapos ang aksidente.


Ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang nag-post ng larawan ng insidente.


Sinabi naman ng alkalde na kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH), habang nag-abiso na rin sa mga motorista na dumaraan sa Bayambang mula Camiling, Tarlac na humanap na ng mga alternatibong ruta.

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page