top of page
Search

CARLOS, IBINULGAR KUNG BAKIT NABUWAG ANG THE HUNKS

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 25, 2025



Photo: Carlos Agassi - IG


Sa TikTok account ni Carlos Agassi ay naihayag niyang nagkaroon siya ng depression dahil sa pambabatikos sa kanyang music video na inilabas, ang Milk Tea (MT).


Nasabay pa na hindi siya nakalakad ng halos isang taon dahil siya ay nadisgrasya. Mabuti na lang daw at nandiyan ang kanyang partner, kaya nalampasan niya ang lahat.  

May nagtanong na follower kung naiinggit daw ba siya sa mga kasabayan niya na matagumpay na ang showbiz career sa kasalukuyan? Aniya, masaya siya para sa kanila at sadyang kani-kanya lang talaga ng tinatahak sa buhay.  


Ayon kay Carlos, hindi siya kailanman nakaramdam ng inggit sa kanyang mga kasabayan sa showbiz na ngayon ay matagumpay na sa kanilang career.  

“Masaya ako para sa kanila. Kani-kanya lang naman tayo ng tinatahak sa buhay,” pakli niya.  


Sa kasalukuyan, mas positibo na ang pananaw ng aktor sa buhay. Marami rin ang nagpapahayag ng suporta sa kanya, lalo na sa mga fitness content na kanyang ibinabahagi online.  


Nang tanungin kung mayroon pa siyang komunikasyon sa kanyang mga dating kasamahan, ang The Hunks, nagbiro si Agassi na tila may bahid ng hinanakit.  

“Kaya nga nabuwag, eh,” aniya nang sagutin ang tanong ng isang tagasubaybay. 

Ayon kay Agassi, ang pagkakawatak-watak ng grupo ay dahil sa kagustuhan ng ilan na magkaroon ng kani-kanyang karera.  


“Kasi kung group, pantay-pantay kami sa lahat, eh, sa exposure, sa TF (talent fee), sa career. So, para makaangat ‘yung iba, parang nabuwag. Ganu’n na nga ang nangyari, and then, wala na, wala na talaga,” pagbabahagi niya.


 

“FINALLY I got my palm leaf tattoo!” sabi ni Andi Eigenmann na inialay ang palm leaf tattoo na sumisimbolo sa namayapang ina na si Jaclyn Jose.  


Sa Instagram (IG) ni Andi, isang emotional post na may kalakip na mensahe para sa ina ang palm leaf tattoo in honor of her mother ang ipinost ng aktres.  


May tatlong meaning umano behind the palm leaf. First, strength, which her mother displayed throughout life’s challenges. Second, victory, representing her mother’s relentless dedication to her craft. Lastly, eternal life, as Andi believes that her mother will forever live on through her.  


Ani Andi, “In almost one year of mourning her loss, of going through this grief, I would always get lost in my head figuring out the best way to honor my mother.”

Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin si Andi Eigenmann sa pagkamatay ng ina.  

But she remains hopeful, trusting that the love her mother showered upon her will eventually lead her back to the light.


 

ANG dami nagtatanong kung nag-undergo raw ba si Jennylyn Mercado in any facial enhancements?


Sa YouTube channel ni Ogie Diaz na Showbiz Update (SU), diretsong sinabi ng Ultimate Star na wala siyang ipinabago sa kanyang mukha.  


Wika niya kay Ogie, “Wala naman, Mama Ogz. Hanapin mo, walang tahi ‘yan.”  

Tinanong siya kung ano ang sikreto niya sa kanyang beauty.  


Natatawa niyang sabi, “‘Di ko lang ipinapakita ‘yung mga face ko na malalaki. ‘Yun ang sikreto. ‘Wag kang mag-picture ‘pag malaki ka. Like nu’ng nanganak ako, ‘yun ‘yung biggest ko, 50, 60 [kilos].”  


Maging ang husband niyang si Dennis Trillo ay sumang-ayon sa sinabi ng kanyang misis.  


Aniya, “Kahit ganyan ‘yung katawan n’ya, napakalakas n’yang kumain lalo na sa mga sweets.”  


Hanga rin ang aktor sa mabilis na metabolism ng misis.  


“Saka napupunta sa tamang lugar ‘yung mga kinakain n’ya… [Sa balakang, hita, pwet.]” biro niya. 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page