top of page
Search
  • BULGAR

Carlos, bumida sa Cool Smashers, pinasuko ang Army

ni Gerard Arce @Sports | March 1, 2023




Mga laro bukas (Huwebes)

(Philsports Arena)

4:00 n.h. – Choco Mucho Flying Titans vs Cignal HD Spikers

6:30 n.g. – Petro Gazz Angels vs F2 Logistics Cargo Movers


Pinasuko ng Creamline Cool Smashers ang Army Black Mamba Lady Troopers sa pamamagitan ng mga pasabog ni Diana Mae “Tots” Carlos upang itarak ang straight set 25-15, 25-20, 25-12 panalo, sa unang laro ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Umaatikabong mga hambalos ang binitawan ng back-to-back conference MVP sa kabuuang 17 puntos mula sa 14 na atake kasama ang dalawang service aces at isang block, gayundin ang anim na receptions na nakuha ang pinakamalaking kontribusyon sa nagdaang anim na laro para makuha ng koponan ang solong liderato sa 5-1 kartada.

I feel good, siyempre since we wanted to win today and let other teammates to play and rest others at magkaroon ng chance to play 'yung ibang teammates ko kasi sobrang nakakatuwa na nakikita mong naglalaro 'yung teammates mong naglalaro na halos every day mong kasama mag-training,” pahayag ni Carlos patungkol sa pagbibigay ng playing time sa mga kakampi tulad nina Risa Sato na nag-ambag ng 5 puntos, Rose Vargas (7pts), Rizza Mandapat (3pts), Pau Soriano (2pts), setter Kyle Negrito, at libero Jorella De Jesus, habang naging limitado ang inilaro nina Celine Domingo at Jeanette Panaga, samantalang hindi pinaglaro si Jessica Galanza “Pataas ng pataas ang level patungong semis, kaya nagtatrabaho kami kaya, malaking confident to sa amin at syempre gusto pa rin naming bumawi at ibigay yung best namin every game,” dagdag ni Carlos na may iniinda ring hamstring injury.

Patuloy namang namahagi ng mahusay na sets si ace playmaker Julia Morado-De Guzman ng 17 excellent sets kasama ang 5 puntos at apat na digs.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page