ni Nitz Miralles @Bida | June 1, 2024
Kabilang sina Carla Abellana, Maggie Wilson at Iza Calzado sa mga nag-agree sa post ni Maxene Magalona tungkol sa divorce.
Hindi nag-comment in words ang tatlo, pero sina Iza at Maggie, three signs ng 100% emoji ang comment, at si Carla ay isang 100% emoji naman.
Si Maggie ay hiwalay kay Victor Consunji at si Carla ay divorced na kay Tom Rodriguez. Si Iza naman ay happy sa piling ng husband niyang si Ben Wintle, pero naka-support pa rin siya sa divorce.
Si Maxene ang unang female celebrity na open sa pagsuporta sa divorce sa bansa. May post siya sa Instagram tungkol dito at ang panghuli niyang sinabi na “We deserve divorce” ay ginagawang battle cry ng mga pabor sa divorce.
Speaking of Carla, ipinost nito ang very short teaser ng Widows’ War na pinagbibidahan nila ni Bea Alonzo. Nag-agree ito sa nag-comment na exciting ang paparating na murder mystery drama ng GMA-7 sa direction ni Zig Dulay.
Sa look test ni Carla, parang may kontrabida streak ang karakter niyang si George o kaya’y bida-kontrabida siya, mga karakter at role na gusto niyang gampanan.
Comments