ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 13, 2024
Inatake ng mga pirata ang isang malaking cargo ship mula sa Bangladesh, malapit sa baybayin ng Somalia.
Binihag ng mga pirata ang 23 crew members ng barkong MV Abdullah.
May dala ang barko ng 55,000 toneladang uling mula sa kabisera ng Mozambique na Maputo, patungo sa United Arab Emirates nang atakihin ito noong Martes.
Kinumpirma ng maritime security firm na Ambrey na isang grupo ng armadong tao ang kumuha ng kontrol sa barko.
Nangyari ang pag-atake sa Indian Ocean, na 1,111km sa silangan ng kabisera ng Somalia na Mogadishu, ayon sa Ambrey.
Pinayuhan ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) ang iba pang mga sasakyang pandagat sa lugar na maging maingat at sinabi nilang iniimbestigahan nila ang pangyayari.
Comments