ni Angela Fernando @Entertainment News | August 2, 2024
Nag-file ng divorce kamakailan ang sikat na singer-rapper na si Cardi B mula sa kanyang asawang si Offset kahit na buntis ito sa kanilang ikatlong anak.
Matatandaang naunang iniulat ng Page Six ng New York Post ang balitang ito, na kinumpirma ng kinatawan ng American rapper sa nasabing magazine.
Bagaman hindi nagbahagi ng karagdagang detalye ang representative ni Cardi B, iniulat na inaasikaso ng singer ang pangunahing kustodiya ng kanilang mga anak na sina Kulture, 6, at Wave, 2.
Ibinahagi ni Cardi B sa kanyang Instagram nu'ng Agosto 1 na siya ay muling nagbubuntis sa ikatlong anak at masaya siya sa yugtong ito ng kanyang buhay ngunit hindi nito nabanggit ang pagpa-file ng divorce.
Comments