top of page
Search
BULGAR

Cardema, 'di na youth, kaya dapat lang sibakin sa NYC

ni Pablo Hernandez @Prangkahan |September 1, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

TAMA LANG SIBAKIN SI RONALD CARDEMA SA NATIONAL YOUTH COMMISSION KASI ANG EDAD NIYA HINDI NA PANG-YOUTH -- May mga nabasa tayong comment sa social media tungkol sa pagsibak ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kay Duterte Youth Founder Ronald Cardema bilang chairman ng National Youth Commission (NYC), na ayon sa mga comment ay wala na raw sa kalendaryo ang edad nito dahil 39-anyos na kaya dapat lang daw palitan siya sa NYC ng mas bata sa kanya na si Joseph Francisco Ortega.


May punto naman pala talaga na sibakin siya sa NYC kasi hindi na pala youth si Cardema para pamunuan pa ang ahensyang pang-youth, period!


XXX


FAKE NEWS ‘YUNG 2K PULIS, NAGHAHAHAP KAY QUIBOLOY KASI KARAMIHAN SA KANILA IDINEPLOY PANG-SECURITY CONTINGENT SAKALING MANGGULO ANG MGA TAGASUPORTA NG PASTOR -- Sabi ni Sen. Ronald Dela Rosa na hindi naman daw most wanted terrorist si Pastor Apollo Quiboloy para gumamit ang Marcos administration ng 2,000 pulis sa paghahanap sa pastor.


Fake news ang sinabing ‘yan ni Dela Rosa kasi sa totoo lang, ang karamihan sa mga pulis na  idineploy sa area sa bisinidad at loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City ay mga security contingent na magpapairal ng maximum tolerance kapag gumawa ng gulo ang mga supporter ni Quiboloy, boom!


XXX


PAREHONG BAD SINA PASTOR QUIBOLOY AT MGA TERORISTA?! -- At ‘yung sinasabi ni Dela Rosa na hindi naman terorista si Quiboloy, korek siya riyan, hindi nga terorista ang pastor.


Pero tulad ng mga terorista ay bad din ang pagkatao ni Quiboloy kasi kung ang mga terorista ay nagsasagawa ng pambobomba at pagmasaker, si Quiboloy naman ay nambibiktima at gumagawa umano ng kahalayan kaya nga ang mga kaso niya ay sexual abuse at human trafficking, period!


XXX


KADA PAGPASOK NG BUWAN, LAGING NAGPAPAIRAL NG DAGDAG-PAHIRAP NA OIL PRICE HIKE ANG DOE -- Inanunsyo ng Dept. of Energy (DOE) na sa unang linggo ng September 2024 ay may oil price hike na naman silang ipaiiral.


Ganyan naman talaga ang DOE, sa kada unang linggo ng bawat buwan, laging nagpapairal ng dagdag-pahirap sa mamamayan na oil price hike, buset!




1 comentario


Invitado
07 nov

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPTU Machine ETPU Moulding…

EPS Machine EPS Block…

EPS Machine EPS Block…

EPS Machine EPS Block…

AEON MINING AEON MINING

AEON MINING AEON MINING

KSD Miner KSD Miner

KSD Miner KSD Miner

BCH Miner BCH Miner

BCH Miner BCH Miner

Me gusta

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page