ni Lolet Abania | May 25, 2022
Tinapos na ng Congress, tumatayong National Board of Canvassers (NBOC), ang opisyal na tallying of votes para sa pangulo at pangalawang pangulo sa 2022 national and local elections.
Idineklara ng Joint Canvassing Committee (JCC), na co-chaired nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Majority Leader Martin Romualdez, ang completion ng proseso ng certificates of canvass (COCs) ng alas-3:33 ng hapon ngayong Miyerkules.
Ang canvassing ay tinapos na nila kahit wala pa ang canvassing ng overseas absentee voting (OAV) ng mga boto mula sa Argentina at Syria, kung saan ang mga ballot boxes sa naturang mga bansa ay hindi pa dumating.
Isang report ng canvass ang ihahanda ng JCC at isusumite ito sa Joint Public Session ng House of Representatives at ng Senate of the Philippines. Batay sa rules, “the JCC report shall be approved by a majority of votes of all its members, each panel voting separately. The report shall be signed by the majority of the members of each panel.”
Matapos nito, ang mga chairpersons ng JCC ay ipiprisinta at i-sponsor ang report, habang sinasamahan ito ng Resolution of Both Houses na magpoproklama sa duly-elected president at vice president.
Sa adoption ng Resolution of Both Houses, sina Senate President Vicente Sotto III at Speaker Lord Allan Velasco ay ipoproklama na ang mga nahalal at iluluklok na pangulo at pangalawang pangulo.
Base sa partial at unofficial tally, si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nanguna sa 2022 elections sa presidential race na may 31,104,175 votes, kasunod ni Vice President Leni Robredo na may 14,822,051 votes.
Para sa vice-presidential race nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte, ang anak ni outgoing President Rodrigo Duterte, na may 31,561,948 votes, kasunod si Senator Francis Pangilinan na may 9,232,883 votes.
Ayon sa GMA News Research, ang napipintong proklamasyon ni Marcos, ang pinakamabilis na presidential proclamation matapos ang 1986 EDSA Revolution.
Noong 1992, ang proklamasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay inabot ng 42 araw matapos ang eleksyon; 18 araw para sa proklamasyon kay dating Pangulong Joseph Estrada noong 1998; 45 araw para sa proclamation ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo; 30 araw para sa proklamasyon ng yumaong dating Pangulong Benigno Aquino III; at 21 araw para sa proklamasyon ni outgoing President Rodrigo Duterte. Umabot lamang ng 16 araw ang proklamasyon ni Marcos matapos ang May 9 national at local elections.
Comments