ni Jasmin Joy Evangelista | February 4, 2022
Binaklas ng mga awtoridad sa bayan ng Goa, Camarines Sur ang mga campaign posters at mga election paraphernalia, nitong Huwebes.
Sa pangunguna ng municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) ng Goa, katuwang ang mga pulis at ilang kawani ng Commission on Elections (Comelec), tinanggal ang mga election paraphernalia na nakatali at nakapako sa mga puno, poste ng kuryente, government offices at iba pang pampublikong istruktura.
Ito ay bilang pagtalima sa guidelines ng Comelec, partikular sa Resolution No. 10730, pati na rin sa nakasaad sa Republic Act No. 3571 at Presidential Decree No. 953.
Una nang nagpaalala si Goa Mayor Marcel Pan na tanggalin na at ilipat ng mga kandidato sa tamang lugar ang kanilang campaign materials alinsunod sa Comelc guidelines.
"To all politicians and supporters, kindly follow the Comelec guidelines. And may this be a challenge to all of us - to do the same... orderly, and let us have an environment-friendly election," panawagan ng Goa MDRRMO.
Comments