top of page
Search
BULGAR

Calamity fund sa susunod na taon, dapat dagdagan!

ni Sonny Angara - @Agarang Solusyon | November 08, 2020



Patuloy ang kaliwa’t kanang pagtulong ng mga kinauukulang sangay ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyong Rolly nitong nakaraang linggo.

Bilyun-bilyon ang inabot ng damages na iniwan ng bagyong ito sa bansa at partikular na hinagupit nito ang Kabikulan.

Sa mga ulat, nabatid nating higit na sa 10 ang namatay at umaabot nasa P6B ang nasalanta sa agricultural crops at iba’t ibang uri ng imprastruktura.

Nabatid din natin base sa ulat ng Department of Agriculture sa Bicol region na mahigit P1B sa mga pananim ang sinira ng bagyo, at libu-libong hektarya ang naapektuhan.

Sa ulat ng DPWH, mahigit P6B mga imprastruktura ang nasalanta.

Dahil dito, ikinukonsidera ng ating komite sa Senado, ang Senate Committee on Finance na dagdagan ang calamity fund ng gobyerno sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, masusi nating pinag-aaralan ang panukalang ito at masigasig tayong naghahanap ng posibleng mapagkunan ng pondo para rito.

Maraming nakarating sa ating tanggapan na hinaing ng mga lider ng mga pamahalaang lokal na lubhang naapektuhan ng bagyong Rolly. Nakikiusap sila na kung maaari ay matulungan sila sa lalong madaling panahon dahil unti-unti nang nakakayos ang kanilang pondo dahil sa pagresolba ng kalamidad sa kani-kanilang nasasakupan.

 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa  AGARANG SOLUSYON ni Sonny Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City

o mag-email sa agarangsolusyon.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page