ni Gerard Peter - @Sports | January 5, 2021
Magsisimula na ang pinaka-aabangang pagbubukas ng ‘Bubble training’ camp ng tatlong combat sports na Boxing, Karate at Taekwondo Sabado, Enero 9, sa loob ng Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang preparasyon sa mga Olympic Qualifying Tournaments ngayong taon.
Kumpleto na ang mga lalahok na Olympic hopefuls ng tatlong pampalakasan, gayundin si Olympic-bound Irish Magno ng women’s boxing na nagawang makapasok nang manaig ito laban kay Sumaiya Qosimova ng Tajikistan via unanimous decision sa women’s under-51kgs flyweight division box-off sa Asia-Oceania Boxing Qualification Tournament sa Amman, Jordan noong Marso 2020, kasama si men’s middleweight champion Eumir Felix Marcial.
Inamin ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez na bukod sa mga Olympic hopefuls ay makakasama rin ng mga ito ang kani-kanilang mga sparring partners na tatagal umano ng tatlong buwan. “Their training will start this coming Saturday,” wika ni Fernandez sa isang text message sa Bulgar. “And maybe it will last up to 3 months’ time,” dagdag ng dating 4-time PBA Most Valuable Player.
Nauna ng inamin ng 67-anyos na Maasin, Leyte-native na aabot ng halos P15 milyon ang gagastusin ng ahensiya ng pampalakasan sa gaganaping ‘Bubble set-up’ sa Inspire Academy.
Inilabas ng pamunuan ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) na magpapadala sila ng 10 men’s boxers na sina Olympian Rogen Ladon, SEAG champion Carlo Paalam, at Marvin Tabamo para sa flyweights (52kgs); SEAG medalists Ian Clark Bautista, Mario Fernandez at Junmilardo Ogayre sa Featherweight (57kgs); James Palicte, John Paul Panuayan, Jere Samuel Dela Cruz sa Lightweight, at 2017 SEAG light-heavyweight titlist John Marvin, habang sa Lady boxers ay mayroong 6 na atleta mula kina Magno, 2019 World featherweight champion Nesthy Petecio, Claudine Veloso, Aira Villegas, Riza Pasuit, at Analene Cellion Kasama rin sina coaches Don Abnett ng Australia, head coach Ronald Chavez, Pat Gaspi, 1992 Barcelona bronze medalist Roel Velasco, Joegin Ladon, Elmer Pamisa, women’s head coach Nolito Velasco at dating national team member Mitchell Martinez.
Bubuosa 8 miyembro ng Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) sina foreign coach Okay Arpa ng Turkey, strength and conditioning coach Sonny Montalbo, coach Jonel Perana at limang karatekas na sina 2019 SEAG gold medalists Jamie Lim, 30th edition biennial meet bronze medalists Joaane Orbon, Sharief Afif, at Ivan Agustin, at Alwyn Batican.
Comments